Archive for October, 2005

WHAT IS LOVE?

Sunday, October 2nd, 2005

Love is PATIENT,love is KIND. It does not envy,it Sj1_1 does not boast,it does not proud.It is not RUDE,it is not self-seeking,it is NOT EASILY ANGERED,it keeps no records of wrongs. LOVE does not delight in evil,but rejoices with truth. It always protects,always trust,always hopes,always perseveres.Love never fails.  (1 CORINTHIANS 13:4)

I hope everyone of us always remember what is the real meaning of love. We should know our words before saying it if it could  benefits to others or just distroy their spirit. Show our love in gentle ways. Take care friends and have a wonderful week!

(joke) SULAT

Saturday, October 1st, 2005

Minamahal kong anak,

Medyo mabagal akong mag-type ngayon dahil alam
kong mabagal kang magbasa.
Nandito na kami sa probinsya para tirahan ang
bagong bili na bahay. Pero hindi ko maibigay sa iyo
ang address dahil dinala ng dating nakatira ang
number para daw hindi na sila magpapalit ng
address.

Maganda ang lugar na ito at malayo sa Manila.
Dalawang beses lang umulan sa linggong ito,
tatlong araw noong una at apat na araw noong
pangalawa.

Nakakainis lang ang mga paninda dito katulad nung
nabili ko na shampoo, ayaw bumula. Nakasulat
FOR DRY HAIR kaya hindi ko binabasa ang buhok
ko pag ginagamit ko. Mamaya ay ibabalik ko sa
tindahan at magrereklamo ako.

Noong isang araw naman ay hindi ako makapasok
sa bahay dahil ayaw bumukas ng padlock.
Nakasulat kasi ay YALE, eh aba namalat na ako sa
kasisigaw ay hindi pa din bumubukas.
Magrereklamo din ako sa nagbenta ng bahay, akala
nila hindi ko alam na SIGAW ang tagalog ng YALE,
wise yata ito!

Mayroon nga pala akong nabili na magandang
jacket at tiyak na magugustuhan mo. Ipinadala ko
na sa iyo sa dahil medyo mahal daw dahil mabigat
ang mga botones kaya ang ginawa ko ay tinanggal
ko na lang ang mga botones at inilagay ko na lang
sa bulsa ng jacket. Ikabit mo na lang pag dating
diyan.

Nagpadala rin ako ng tseke para sa mga nasalanta
ng bagyo, hindi ko na pinirmahan dahil gusto ko na
maging anonymous donor.

Ang kapatid mo palang si Jhun ay may trabaho na
dito, mayroon siyang 500 na tao na under sa
kanya. Nag-gugupit siya ngayon ng damo sa
memorial park,okey naman ang kita above minimum
ang sahod. Nakapanganak na rin palaang ate baby
mo, hindi ko pa alam kung babae o lalake kaya hindi
ko pa masasabi na kung ikaw ay bagong uncle or
auntie.

Isa pa nga pala, babalik ako diyan sa Oktubre pero
naguguluhan ako. Di ba yung Victory Liner, BLTB
Liner, Pascual Liner at Alfonso Liner ay mga
pampasaherong bus. Yung Panty Liner, bus din ba
yun? Saan ba ang Terminal nila?

At saka nga pala, me nag-interview sa akin diyan
at nakalimutan kong banggitin sa iyo taga
Magandang Umaga Bayan daw siya at nakunan
ako sa TV
ang tanong sa akin ay ano raw sa salitang english
ang Kulangot. Di ko nasagot… ikaw anak, alam mo?

Wala na akong masyadong balita. Sumulat ka na
lang ng madalas ha.

Love,
Tatay

P.S. Maglalagay sana ako ng pera kaya lang ay
naisara ko na ang envelope.
Next time na lang ha.